Binay kay Roque: No, we are not winning the battle!

Binay kay Roque: No, we are not winning the battle!

TALIWAS sa pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na nananalo na ang Pilipinas sa laban sa COVID 19 pandemic, iginiit ni Senador Nancy Binay na masyado pang maaga upang matukoy kung nagtatagumpay ang kampanya ng gobyerno.

Binigyang-diin nito na kung nananalo na ang bansa ay dapat may nakikita nang pagbabalik sa normal ng mga aktibidad lalo na sa Metro Manila.

“But the mere fact that we’re still under general community quarantine, ibig sabihin no’n we are not winning the battle,” saad ni Binay.

Muling pinuna ni Binay ang kabiguan ng bansa na maitodo ang testing capacity na hanggang ngayon ay hindi maabot ang target na 30,000 test kada araw.

“Sabi ko nga, what’s the use of increasing the capacity kung hindi naman humahabol yung actual test. Siguro pagaralan bakit hindi nama-maximize itong capacity. Ako off-hand ang nakikita kong dahilan, mahal siya e. The test is not affordable so baka isa yun sa dapat tignan o pagaralan,” diin nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: