Deklarasyong rubout sa misencounter ng PNP at AFP, premature

Deklarasyong rubout sa misencounter ng PNP at AFP, premature

ITINUTURING ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na premature at preemptive ang deklarasyon ni Army Commanding General, Lt. Gen. Gilbert Gapay na murder at rubout ang misencounter sa Jolo, Sulu.

Iginiit ni dela Rosa na dapat munag tapusin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation bago maglabas ng anumang proklamasyon.

Samantala, pinaalalalahanan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na hindi kailangan ngayon ng pagkakawatak-watak sa pagharap sa mga kalaban ng bayan.

Sa halip anya dapat ipakita ng law enforcement agencies ang kanilang pagiging desidido sa bawat pakikipaglaban.

Sinabi ni Lacson na bagama’t nauunawaan niya ang nararandaman ni Gapay subalit sa mga pagkakataong ito anya ay pinakahuling bagay ang emosyon.

Ibinabala ng senador na posibleng nagdiriwang ngayon ang mga terorista at mga rebelde dahil sa insidente sa Jolo, Sulu at maaring gamitin ito upang magpakalat ng mga maling impormasyon laban sa estado.

Leave a Reply

%d bloggers like this: