DOT maghihigpit sa pagpasok ng mga turista

DOT maghihigpit sa pagpasok ng mga turista

Ipinaliwanag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na maghihigpit sila sa pagpasok ng mga turista.

Sinabi ni Romulo-Puyat na ang ‘travel bubbles o travel corridors’ ang naturang plano na isa sa kanilang aksyon para unti-unting mapalakas ang industriya ng turismo ng bansa.

Mga turista buhat sa mga bansa na wala o maliit ang kaso ng COVID-19 tulad ng Australia at New Zealand ang plano nilang payagan na makapunta ng Pilipinas sa mga lugar na wala o mababa rin ang kaso tulad ng Boracay at Bohol.

“Kung titignan mo yung Pilipinas as whole, yung cases natin marami, pero kung titignan mo per tourist site or per island, mababa” ayon kay Romulo-Puyat.

Iginiit din ni Bohol Governor Yap kay Puyat na mas gugustuhin niya na unahin muna ang domestic tourism bago ipursige ang international

“Pagdating doon ng turista, isaswab nalang at kung negative, pwede na siyang umikot,” ayon kay Yap.

Ganun din ang magiging proseso sa Boracay.

Leave a Reply

%d bloggers like this: