Lockdown sa ilang purok sa Taguig

Lockdown sa ilang purok sa Taguig

ISASAILALIM sa modified localized quarantine (MLQ) mula Hulyo 2 hanggang Hulyo 15 ang ilang lugar sa Lower Bicutan, Taguig City para isailalim sa rapid tests ang mga residente.

Kabilang dito ang Dalampasigan Area sa Purok 5, Barangay Street, Purok 6-A; I. Reyes St., Purok 6-B; K-9 Area, Purok 6-D; at Mauling Creek Area, sa Purok 6.

Una nang isinailalim sa localized community quarantine (LCQ) ang buong Purok 5 at 6.

Sa datos ng pamahalaang lungsod, nadagdagan pa ng 36 ang bilang ng tinamaan ng naturang virus na nasa kabuuang 887 ang confirmed COVID-19 cases.

Naitala ang mga bagong kaso ng COVID-19 mula sa mga barangay ng Bagumbayan, Calzada, Central Bicutan, Katuparan, Lower Bicutan, Pinagsama, South Daang Hari, Santa Ana, Tuktukan at Wawa

Leave a Reply

%d bloggers like this: