Senate hearing sa intenet connectivity, sinabotahe ang signal?

Senate hearing sa intenet connectivity, sinabotahe ang signal?

NAGDUDUDA si Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na may sumasabotahe sa kanyang pagdinig na may kinalaman sa bilis ng internet connection sa Pilipinas.

Sa halos dalawang oras na pagdinig, nakaranas ng masamang koneksyon ang online hearing kung saan ang ilan sa mga resource person ay hindi na maunawaan ang pahayag.

Ayon kina Poe at Senador Nancy Binay, ang naturang pagdinig ng kumite ang nakaranas ng pinakamasamang signal sa lahat ng mga naging hearings ng Senado sa gitna ng COVID 19 pandemic.

Sa pagdinig, pinuna ni Binay kung anong kumpanya ang internet service provider ng Senado dahil mula nang magsimula ang pagdinig ay halos hirap magkaintindihan ang mga resource person at mga senador.

“Kung anuman ang ating provider, apparently it’s not good enough because we are having problem with our connection,” saad ni Binay.

“Converge daw. Baka kaya mura,” sagot ni Poe.

“Just to share because I’ve attended several online, yung committe mo today ang pinakamasama ang signal,” diin pa ni Binay kay Poe.

Sumagot naman si Poe na “Hindi ba? Talagang ganun nga. I think sinasabotahe ito. Akala nyo titigilan ko kayo hindi. Dahil if I have to require your physical presence next time here, I will. This is the worst actually.”

Idinugtong pa ni Poe na “Anything that had to do with technical topics yun pa ang nagkakaproblema…The connection today is awful.”

Layun ng pagdinig na alamin kung handa na ang estado ng internet connection sa bansa para sa online learning sa school year 2020-2021.

Binigyang-diin din ni Poe sa pagdinig sa National Telecommunications Commission (NTC) na ito ang may responsibilidad na tiyaking nakatutugon ang mga telecommunication companies sa kanilang mga pangakong serbisyo.

Bahagi ng pagdinig ng Senate Committee on Public Services hinggil sa internet connectivity sa bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: