Mataas na singil sa kuryente at tubig, makaapekto sa kandidato ni PRRD sa 2022 elections

Mataas na singil sa kuryente at tubig, makaapekto sa kandidato ni PRRD sa 2022 elections

NAGBABALA si Senador Imee Marcos na may malaking epekto sa kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidential Elections sa 2022 ang problema ngayon ng publiko sa mataas na singil sa kuryente at tubig.

Sa gitna ito ng anya’y halos pagrerebolusyon ng mga customer ng Meralco, Maynilad at Manila Water dahil sa sobrang taas ng singill sa gitna ng idineklarang lockdown dahil sa COVID 19 pandemic.

“Naku, siguradong maaapektuhan ang mga kandidato ng administrasyon na tatakbo sa 2022 presidential elections dahil dyan isyu ng kuryente at tubig. Sobrang taas ng billing ng Meralco, Maynilad at Manila Water. Pano nangyari yon?” saad ni Marcos.

Ipinaliwanag ni Marcos na malaking usapin ang kuryente at tubig sa pang araw-araw na kabuhayan ng taumbayan at kailangang kumilos na mismo ang Pangulo para maitama ang singil kung nais nitong manalo ang kanyang mga kandidato sa darating na halalan.

“Hindi malayong matalo ang mga kandidato ng administrasyon sa darating na eleksiyon sa 2022 dahil sa isyu ng kuryente at tubig. Kaya ngayon pa lang dapat ay tapusin na ang problema at pagpaliwanagin ang Meralco, Maynilad at Manila Water. Kung meron dapat managot, papanagutin at kasuhan!” pahayag ni Marcos.

Binigyan-diin ni Marcos na kailangang magkaroon muna ng aktwal na “meter reading” sa mga kuntador ng bawat customer bago maningil ang Meralco, Maynilad at Manila Water na siyang pagbabatayan ng billing ng tatlong kumpanya.

Binalaan din ni Marcos ang Meralco, Maynilad at Manila Water na hindi kailangang gawin ang pamumutol ng kuryente at tubig kung hindi man nakababayad ang kanilang custormer dahil na rin sa hindi katanggap-tanggap na billing pati na ang hindi maayos nitong serbisyo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: