Gatchalian, dismayado sa Meralco

Gatchalian, dismayado sa Meralco

DISMAYADO si Senador Win Gatchalian sa Manila Electric Company (Meralco) dahil sa kabiguang resolbahin ang mga reklamo ng consumers hinggil sa mataas na singil ng kuryente sa panahon ng lockdown.

Ayon kay Gatchalian, nasa 200 reklamo ang natanggap ng Senate Committee on Energy na may kinalaman sa bill shock.

Dahil dito, agad siyang sumulat sa Meralco at pinagsusumite ang kumpanya ng status report ng kaniang pagtugon sa kanilang commitment sa Joint Congressional Energy Commission (JCEC) kasabay ng paliwanag at paglalatag ng action plan para resolbahin ang bill shock.

Noong Mayo, nangako ang Meralco na ipapaliwanag sa detalyadong paraan ang electricity bills ng mga consumer subalit hindi anya nakatugon ang kumpanya.

“Noong huling pagdinig namin, talagang mahigpit na sinabi namin na importante na maintidihan ng tao kung ano yung binabayaran nila, basic yan. Gustong magbayad ng tao pero gusto nilang maintindihan kung paano binabasa at kino-compute ang aktuwal na gamit nila ng kuryente. Pero napakahirap intindihin ng eksplanasyon ng Meralco,” saad ni Gatchalian.

“Ang kailangan ng mga tao ay simpleng pagpapaliwanag, hindi naman yung tipong kailangang scientist pa ang magpaliwanag ng formula. So hangga’t hindi malinaw ang eksplanasyon ng Meralco ay wag munang maningil. Paano magbabayad ang mga tao kung hindi nila naiintidihan ang kanilang binabayaran,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: