Heart Evangelista, tuloy-tuloy sa pamamahagi ng tablet

Heart Evangelista, tuloy-tuloy sa pamamahagi ng tablet

TULOY-tuloy ang pamimigay ng aktres na si Heart Evangelista ng gadgets para sa mga estudyante bilang paghahanda sa online learning.

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang “Big Heart PH” project na naglalayong ihanda ang mga estudyante para sa new normal.

Sa Instagram post ng Kapuso actress at fashion icon, ipinaliwanag nito ang sumusunod na proseso para makakuha ng libreng tablet at libreng data:

  1. I-like the official Facebook Page o i-follow ang Instagram account ng BIG Heart PH
  2. Magpadala direct/private message (name, age, gender, educational attainment, mobile number at bakit kailangan ng tablet) sa BIG Heart PH Official Facebook Page o Big Heart PH Instragram

Kailangan ding ipadala ang mga sumusunod na requirement sa bigheartph14@gmail.com:

  • Kopya ng Valid School ID
  • Certificate of Registration mula sa paaralan o anumang proof of enrolment
  • Latest payslip ng magulang o guardian o Certificate of Indigency mula sa Barangay Office
  1. Abangan ang tawag ng kinatawan ng BIG Heart PH para sa mga mapapabilang sa shortlist na maisasalang sa phone interview
  2. Isasama naman ang mga shortlisted applicants sa computer-generated raffle draw
  3. Ang mapipili ay makatatanggap ng Flare Tablet na may libreng CMSURF 50 promo o 900MB para sa mobile internet sa loob ng 15 araw.
  4. Ang mananalo ay padadalhan ng text message/FB messenger/Instagram direct message.

“I knew then in my heart that I had to do something. Something bigger,” saad ng aktres.

Leave a Reply

%d bloggers like this: