Libreng mass testing sa Covid, inapela sa Korte Suprema

Libreng mass testing sa Covid, inapela sa Korte Suprema

DAHIL umano sa kabagalan ng pamahalaan, iniakyat na ng isang grupo ng mga abogado ang apela sa Korte Suprema para obligahin ang pamahalaan na magbigay ng libreng mass testing para sa coronavirus disease (COVID-19) para sa lahat.

Sa petisyon ng 11 miyembro ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), hiniling rin nila na atasan ang gobyerno na palakasin pa ang contact tracing, containment at testing capacity.

“The omission of proactive and efficient mass testing amid the COVID-19 pandemic has shown that a systemic and normalized violation of the right to health engenders the impairment of other human rights and liberties, such as the rights to travel, livelihood or work, education, and access to justice,” ayon sa petisyon.

Tinukoy na respondents sa petisyon sina Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, Transportation Secretary Arthur Tugade, Budget Secretary Wendel Avisado, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Labor Secretary Silvestre Bello III na pawang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Kasama rin bilang respondent si Secretary Carlito Galvez Jr., ang chief implementer ng National Action Plan Against CoVID-19.

Iginiit rin ng grupo na dapat magpalabas ang pamahalaan ng tama, napapanahon at kumpletong impormasyon sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: