Pamilya ng mga pinatay na sundalo sa Sulu, susuportahan ng gobyerno

Pamilya ng mga pinatay na sundalo sa Sulu, susuportahan ng gobyerno

TINIYAK ni Senador Bong Go na makatatanggap ng suporta mula sa gobyerno ang pamilya ng apat na sundalong pinagbabaril at napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

Sa kanyang pagbisita sa labi ng apat na army intelligence personnel, nangako rin si Go na papanagutin ang mga nasa likod ng insidente.

“Nakakalungkot ito. Nagtatrabaho ang mga ito para labanan ang mga terorista, sila pa ang nadale,” saad ni Go.

Bilang vice chair ng Committee on National Defense at Committee on Public Order sa Senado, sinabi ni Go na handa silang mag-imbestiga kung kakailanganin.

Kasabay nito, sinabi ni Go na malaki ang tiwala nila sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI).

Tiwala rin ang mambabatas na iiral ang pagiging mag-mistah ng mga lider ng AFP at PNP upang hindi na lumaki ang tensyon sa pagitan ng dalawang ahensya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: