Quiapo church muling binuksan

Quiapo church muling binuksan

MULING pinatunayan ng mga mananampalataya ang debosyon sa Itim na Nazareno nang dumagsa sa Simbahan ng Quiapo nitong Biyernes nang muling buksan matapos na isailalim ito sa 14-araw na lockdown.

Sinabi ni Monsignor Hernando Coronel ng Quiapo church, napagdesisyunan nila na buksan na ang simbahan dahil nag-negatibo naman sa rapid test ang 81 na mga pari at church workers ng naturang simbahan.

Alas-5 ng madaling araw nang umpisahang buksan ang pinto ng simbahan para sa misa ngunit hanggang 10 tao lamang ang puwedeng magsabay-sabay sa loob base sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa ‘general community quarantine’.

Dahil dito, nananatili muna sa labas ng simbahan ang ibang mga deboto. Habang naghihintay sila, kailangang panatilihin ang physical distancing sa pagtayo sa mga marka sa Plaza Miranda at sa mga gilid ng kalsada.

Isinara ang simbahan kamakailan makaraan ang ulat na isang bumibisitang pari ang nahawa ng coronavirus kaya isinailalim sa rapid testing ang lahat ng tauhan ng simbahan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: