Religious gatherings, oks na sa IATF

Religious gatherings, oks na sa IATF

PINAPAYAGAN na ng Inter Agency Task Force fo Emerging Infectious Diseases ang mga religious gatherings subalit limitado lamang hanggang 10% ng kapasidad ng venue ang maaaring papasukin.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, magiging epektibo na polisiya simula sa July 10.

“Magkakaroon po muna tayo ng dry run ng 10% nitong darating na mga linggo pero ‘yung 10% po na allowed na ang lahat ay magsisimula po ‘yan ng July 10,” saad ni Roque.

Ipinaalala ng task force na limitado lamang ang religious gathering sa mga religious worship at service.

Kailangan naman ng permiso ng local government unit ang religious gatherings at dapat matiyak na nasusunod ang public health standards tulad ng physical distancing, pagsuot ng face masks at hand hygiene.

Leave a Reply

%d bloggers like this: