Secretary Roque, inabswelto ng DILG

Secretary Roque, inabswelto ng DILG

TILA inabsuwelto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa anumang bayolasyan sa safety protocols ang ginawang pagpunta sa isang resort sa Subic, Zambales ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya , walang masama na puntahan ni Roque ang resort sa Subic dahil nasa ilalim naman ang lugar ng modified general community quarantine (MGCQ). Pinapayagan na mag-operate na ang mga pasilidad doon ng hanggang 50 percent capacity.

Isa din umanong “authorized person outside residence” (APOR) si Roque dahil sa may business interest sa lugar at isang opisyal ng gobyerno.

“Since APOR po siya, puwede po siyang pumunta sa probinsiya at gawin ‘yung essential work na kaniyang ginawa, in this case work-related dahil nga meron po siyang negosyo sa lugar na ‘yun,” giit ni Malaya.

Ang pahayag ay ginawa ng DILG nang batikusin ng ilang netizens ang litrato ni Roque na naglalangoy sa lugar kasama ng mga dolphins sa Ocean Adventure sa panahon ng Covid 19 community quarantines. Kita rin na nakikipag-usap si Roque ng walang face mask na suot sa mga staff ng resort.

Humingi naman ng paumanhin si Roque sa kanyang ginawa at nangakong hindi na mauulit.

Leave a Reply

%d bloggers like this: