Tatlong nurses ikinulong?

Tatlong nurses ikinulong?

TULOY pa rin ang diskriminasyon sa mga healthworkers makaraang tatlong nurses ang nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) nang iditine umano sila sa kuwarto ng isang condominium building sa kabila na may medical clearance sila na wala silang coronavirus.

Kasong Serious Illegal Detention ang isinampa ng NBI laban kina Mel Tosco, property manager/Administrative head (Victoria Towers Condominium); Atty. Jerich Jucaban, Vice-President; security guard na si Sadat Macabanding; tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki at dalawang babae. Itinago naman ang pagkakakilanlan sa tatlong nurses.

Sinabi ni NBI Officer-In-Charge Eric Distor na Hunyo 29 nang makatanggapo ang Special Action Unit (SAU) ng reklamo buhat sa tatlong biktima sa pamamagitan ng kanilang mga abogado ukol sa iligal na pagditine sa kanila sa isa sa condominium unit sa Quezon City mula Hunyo 22. Ito ay sa kabila na nakapagkakita naman ang mga nurses ng medical clearance na wala silang coronavirus at ‘fit-to-return’ sa trabaho.

Dito nagkasa ng operasyon ang NBI-sAU ngunit pagdating sa loob ng condo building ay sinalubong agad sila nina Tosco, Napoleon Briñas, at Atty. Neneth De Padua. Sa kabila ng pagpapaliwanag ng NBI sa presensya ng medical clearance, tumanggi pa rin ang mga opisyal ng condo na palabasin ang tatlong nurse hanggang walang clearance umano sa mga opisyal ng barangay na nakakasakop sa kanila.

Nang makaharap si Brgy. Chairman Cecilia Tiamson, ipinaliwanag niya na kinikilala nila ang medical clearance buhat sa Infectious Control Consultants (ICC). Ngunit sa kabila nito, tumanggi pa rin umano ang mga opisyal ng condo na palabasin ang mga biktima kaya napilitan ang mga tauhan ng NBI na magtungo na sa ikasiyam na palapag at palayain ang mga biktima.

Agad na ipinatupad ang pag-aresto kay Tosco habang nakatakas umano si Briñas habang pinaghahanap pa si Jucaban.

Leave a Reply

%d bloggers like this: