Website para sa blood plasma donation, inilunsad

Website para sa blood plasma donation, inilunsad

INILUNSAD ni Senador Sonny Angara ang isang website para mapadali ang proseso ng donasyon ng blood plasma upang mas marami pang COVID 19 survivor ang mahikayat na mag-donate.

Sa pamamagitan ng Plasma ng Pag-asa website, maaring magrehistro ang COVID-19 survivors at makatulong sa convalescent plasma transfusion para sa mga pasyenteng may severe infection.

Sa convalescent plasma transfusion, ang antibodies ng COVID 19 survivor ay isasalin sa critically ill patient.

Ayon kay Angara, kapartner nila sa programa ang Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, at St. Luke’s Medical Center (BGC at QC) at patuloy pa silang nagpapalawak ng network.

“Sa madaling salita, mas may pag-asa, ‘pag may plasma,” saad ni Angara.

Noong July 2, muling nag-donate ng blood plasma si Angara.

Matatandaang noong Marso, isa si Angara sa tatlong senador na nagpositibo sa COVID 19 kasama sina Senate Majority Leader Migz Zubiri at Senador Koko Pimentel.

Nang makarekober noong Abril, agad nang nagdonate ng plasma si Angara gayundin si Zubiri.

Subalit noong Mayo, muling nagpositibo sa COVID 19 si Angara subalit ipinaliwanag na ito ay dahil lamang sa mga natitirang bahagi ng virus at hindi na nakakahawa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: