Libreng shuttle service ni VP Robredo, aarangkada sa Cebu

Libreng shuttle service ni VP Robredo, aarangkada sa Cebu

MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Office of the Vice-President sa Cebu City para sa mga health workers at iba pang front liners umpisa ngayong Lunes ng Hulyo 6.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang programa ay bahagi ng pamamaraan para mapaluwag ang hirap na dinaranas ngmga taga-Cebu sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).

“Our pilot run will have initial three routes, with two trips each for morning and afternoon. Our schedules and routes may be subject to adjustments, based on the needs that will be seen during our pilot run,” ani Robredo.

“Stay tuned for updates here on our official Facebook page and other social media platforms,” dagdag niya.

Nabahala si Robredo nang maraming nurse sa Cebu City ang nagsabi na maaring magbitiw na sila sa tungkulin dahil sa hirap na dinaranas dahil sa kakulangan ng suporta sa kanila ng pamahalaan.

Pinatunayan ito ng Cebu Medical Society (CMS), na higit 3,000 miyembro ang nagpasabi sa pagod na at hirap sa dami ng trabaho ang mga doktor at nurses.

Kulang umano sa tauhan ang mga health institutions at nagkakasakit na rin ang mga nurse at mga doktor dahil sa pagod at dami ng trabaho.

Leave a Reply

%d bloggers like this: