165 Manilenyo positibo sa rapid test

165 Manilenyo positibo sa rapid test

Umabot sa 165 residente ng 31 barangay sa Maynila ang nagpositibo sa isinagawang COVID rapid testing ng Manila Health Department makaraang ilagay sila sa hard lockdown.

Sa ulat na ipinarating kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabuuang 8,018 katao ang isinailalim ng Manila Health Department (MHD) sa rapid test at 165 sa kanila ang nagpositibo sa virus.

Sa District 1, nasa 62 ang nagpositibo; anim sa District 2; 62 sa District 3; 28 sa District 5 at pito naman sa District 6.

Nakatakdang isailalim sa confirmatory swab tests ang mga residente na nagpositibo sa rapid tests para makumpirma kung carrier sila ng COVID-19.

Matatandaang may 31 barangay ang isinailalim sa hard lockdown nitong Hulyo 4 upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng rapid tests sa mga residente, matapos na makapagtala ng pagdami ng kaso ng virus doon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: