3,000 negosyo magsasara- DOLE

3,000 negosyo magsasara- DOLE

NASA 2.7 milyong manggagawa ang maapektuhan sa napipintong pagsasara ng higit sa 3,000 negosyo dulot ng pandemya, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang mga nagpadala sa kanila ng notice ay mula pa nitong Enero hanggang ngayong buwan.

Ngunit nilinaw ng kalihim na wala pa namang kumpanya sa bansa ang nagsumite na ng aplikasyon para sa ‘bankruptcy’.

Dahil dito, aabot sa 2.7 milyong manggagawa ang maaapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa pagtiklop ng mga negosyong ito.

Iba naman ang numero ng Philippine Statistic Authority (PSA) na nagsabi na nas 7.3 milyong obrero ang nawalan ng trabaho nitong Abril dulot ng masamang epekto sa ekonomiya ng pandemya.

Bagama’t sinabi ni Bello na maaaring totoo ang survey ng PSA, iginiit niya na mas aktuwal ang kanilang mga numero dahil sa base ito sa bilang ng mga kumpanyang aktuwal na nagsasara.

Leave a Reply

%d bloggers like this: