Higit 2 libong bagong kaso ng COVID, naitala

Higit 2 libong bagong kaso ng COVID, naitala

NAITALA ng Department of Health (DOH) kahapon ang pinakamataas na dagdag na kaso ng COVID 19 sa isang araw.


Sa Case Bulletin No. 113, umabot sa 2,434 ang bagong kaso ba kinabibilangan ng 1,147 na fresh cases at 1,287 late cases. Sa kabuuan, nasa 44,254 na ang kaso ng COVID 19 sa bansa.


Inanunsyo rin ng DOH ang 489 na bagong recoveries kaya’t nasa kabuuang 11,942 na ang gumaling sa sakit. 


Pito naman ang naitalang namatay kaya’t umabot na sa 1,297 ang binawian ng buhay.
Sa pahayag ng DOH, tumaas ang numero ng mga bagong kaso bunsod ng pinaiiral na mas maluwag na community quarantine measures.


Dahil dito patuloy ang panawagan ng ahensya sa publiko na sumunod sa health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay, panatilihin ang physical distancing, palagiang pagsusuot ng face mask at iwasan ang mga hindi ang paglabas ng bahay kung hindi naman mahalaga ang gagawin.

Leave a Reply

%d bloggers like this: