Inuman nauwi sa gahasaan

Inuman nauwi sa gahasaan

Kapag may alak, may balak!

Nagkatotoo ang kasabihang ito nang muling nauwi sa panggagahasa ang isang inuman ng alak nang sapilitang lurayin ng isang maintenance worker ang kakikilala pa lamang na babae sa loob ng isang kuwarto ng isang condominium building sa Malate, Maynila nitong Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Francis Martin, 34, may live-in partner, at nakatira sa Brgy. Dila, Sta. Rosa, Laguna. Positibo siyang kinilala ng biktimang itinago sa alyas na “Jane”, 22-anyos.

Sa ulat ng Ermita Police Station 5, naganap ang panggagahasa dakong alas-3 ng madaling araw sa loob ng Unit No. 1102 Imperial Tower Condominium, A. Mabini Street, Malate, ng naturang lungsod.

Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa suspek kasama ang iba pang kakilala sa fire exit area ng naturang condominium building at nang matapos ay bumalik na siya sa kaniyang unit.

Nang makarating sa kuwarto, biglang sumulpot si Martin at itinulak ang babae sa loob. Dito sapilitang hinubaran ng lalaki ang biktima at matagumpay na ginahasa. Matapos makaraos, agad na tumakas ang si Martin.

Dali-dali namang tinawagan ng biktima ang kaniyang live-in partner at ipinagtapat ang pangyayari saka nila iniulat ito sa Remedios Police Community Precinct. Isang follow-up operations ang ikinasa ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Leave a Reply

%d bloggers like this: