Red Cross, lumilikom ng pondo para sa COVID 19 test ng mahihirap

Red Cross, lumilikom ng pondo para sa COVID 19 test ng mahihirap

INILUNSAD ng Philippine Red Cross sa pangunguna ni Senador Richard Gordon ang COVID Samaritan Program na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga walang pambayad sa kanilang test.

Sinabi ni Gordon na dapat palawigin ang COVID testing upang matiyak na magtatagumpay ang kampanya ng bansa kasabay ng pagdiin na makatutulong dito ang programa dahil ang pondong makakalap ay gagamitin sa testing fees.

“Kailangan ma-test ang mga tao para manalo tayo laban sa COVID. This way, carriers can be separated from those who are not infected and they can be cured. At maaari na ring makabalik sa trabaho kapag na-test. Kaya sinimulan namin ang programang ito para pati ‘yung mga hindi kayang magbayad, maaaring makapagpa-test,” saad ni Gordon.

Nanguna na anya sa pagbibigay ng donasyon ang Automobile Association of the Philippines na nagkaloob ng €50,000 o P2.8 milyon gayundin ang Reckitt Benckiser Healthcare Philippines, Inc. (Lysol Philippines).

Binigyang-diin ng senador na hindi maituturing na nagkakaisa ang nasyon kung hindi mabibigyan ng tulong ang mahihirap na walang kakayahang magbayad para sa kanilang test.

May mga kahalintulad ding programa ang Red Cross tulad ng Blood Samaritan para sa mga walang maipambili ng dugo, Dialysis Samaritan para naman sa mga dialysis patients at General Good Samaritan sa iba pang may karamdaman.

Leave a Reply

%d bloggers like this: