2 petisyon kontra sa Anti-Terrorism Law

2 petisyon kontra sa Anti-Terrorism Law

TULUYAN nang nadagdagan ang pagkontra sa implementasyon ng Anti-Terror Law makaraang dalawang petisyon ang isinampa sa Korte Suprema nina Albay Rep. Edcel Lagman at ng grupo ng abogado ng Far Eastern University sa pangunguna ni Dean Mel Sta. Maria.

Hiniling rin nina Lagman at ng grupo ni Sta. Maria sa Supreme Court (SC) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction laban sa batas dahil sa mga probisyon na salungat umano sa Konstitusyon.

Kabilang umano dito ang hindi malinaw na depinisyon ng terorismo sa batas, ang maximum 24-day na pagkakulong ng mga pinaghihinalaang mga terorista ng kahit walang warrant o kasong isinasampa, ang hanggang 90 araw na paniniktik at wiretapping at ang anim na buwang period ng imbestigasyon at pag-freeze sa mga ari-arian ng mga suspek.

“The threat of arrest without a judicial warrant and prolonged detentionā€¦ would be more than chilling enough to stifle, suppress, if not totally snuff out, any fire, flame, or even flicker, of indignation or protest against government corruption, oppression, and abuse,” ayon sa pahayag nina Sta. Maria at FEU law professors.

Kinuwestiyon rin ni Lagman ang pagbibigay ng kapangyarihang pang-hudikatura sa Anti-Terrorism Council (ATC) at sa Anti-Money Laundering Council (AMLC). Nilalabag umano nito ang doktrina ng pagkakahiwalay ng kapangyarihan ng ehekutibo at ng hudikatura.

Isa pang tinutulan ni Lagman ang pagtukoy sa isang tao o grupo na mga terorista at pagtukoy na isang gawaing kriminal ang anumang “threat, proposal at inciting” na maaaring pumigil sa taumbayan na maglabas ng kanilang mga opinyon at reklamo kaugnay ng malayang pagpapahayag.

Sinusugan ito nina Sta. Maria na nagsabi na ang depinisyon ng terorismo sa batas ay masyadong malawak at maaaring maisama dito ang lehitimo o naaayon sa bagas na mga pagtitipon at demonstrasyon na ayon sa karapatan sa pagpapahayag.

Leave a Reply

%d bloggers like this: