COVID-19 nag-mutate na at mas nakakahawa

COVID-19 nag-mutate na at mas nakakahawa

MAS nakakatakot at mas nakakahawang COVID-19 ngayon ang kinakaharap ng mundo makaraang mag-mutate na umano ito, ayon sa mga eksperto.

Ito ang sinabi ni Dr. Edsel Salvana, Director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology at the National Institutes of Health at the University of the Philippines Manila. Sinabi niya na nagkaroon ng mutation sa D614G mula sa dating D614 virus genome na mas mataas ang antas na makahawa ngunit wala pang ebidensya kung mas nakamamatay ito.

“The D614G mutation makes the virus more infectious (mas nakakahawa). There is no evidence it makes it more deadly or virulent (mas nakakamatay),” ayon kay Salvana.

Ito rin ang resulta ng pag-aaral ng Los Alamos National Laboratory na nagsabi na nagkaroon ng maliit ngunit epektibong pagbabago sa Spike (S) protein ng virus.

Dahil dito, iginiit ni Salvana na kailangan na doblehin pa ng pamahalaan ang pagpapalakas sa healthcare system para makayanan ang posibleng pagtaas sa numero ng mga nagkakasakit.

Samantala, masusing binabantayan ng Department of Health (DOH) agn anim na lugar na nakitaan ang malaking pagtaas sa kaso ng virus. Kabilang dito ang Cebu City, Cebu province, mga lungsod ng Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu, Quezon City at Maynila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: