Direk Joyce Bernal, Piolo Pascual, hindi pinayagang mag-shoot sa Sagada

Direk Joyce Bernal, Piolo Pascual, hindi pinayagang mag-shoot sa Sagada

BILANG bahagi ng pag-iingat laban sa COVID 19, hindi pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Sagada ang grupo nina Direk Joyce Bernal at aktor na si Piolo Pascual na makapasok sa kanyang munisipalidad para sa shooting sa kanilang materyales na gagamitin sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag ni Officer in charge at Vice Mayor Felicito Dula, ipinaliwanag na prayoridad nila ang pangangalaga sa kalusugan ng kanilang mamamayan kaya’t nagdesisyon ang kanilang Local COVID Task Force na huwag aprubahan ang shooting.

Ipinaalala ni Dula na alinsunod sa kanilang Sangguniang Bayan Resolution 110, nakasaad ang closure o suspensyon ng booking ng mga guest sa mga establishment at lahat ng tourist sites at ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga non-resident sa Sagada.

Inamin din ni Dula na hindi pa handa ang kanilang munisipalidad partikular ang kanilang health facilities sa pagkakaroon ng COVID 19 case sa kanilang lokalidad.

“In these difficult times and in lieu of the foregoing reasons, we regret to inform you that entry of the team is being disallowed,” saad sa sulat ni Dula kay Direk Bernal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: