Meralco, parusahan

Meralco, parusahan

HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Energy Regulatory Commission (ERC) at iba pang ahensya ng gobyerno na imebstigahan ay kasuhan ang Meralco dahil sa kanilang ‘anti-consumer’ billing practices.

Sinabi ni Hontiveros na ngayong panahon ng pandemya ay hindi dapat dumagdag ang overpriced at hindi malinaw na singil sa kuryente sa problema ng taumbayan.

Dapat anyang gamitin ng gobyerno ang full force of the law upang tapusin ang mapang-abuso i kwestyonableng gawain ng power firms at iba pang public utilities.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, nangako naman si ERC Commissioner Agnes Devanadera na pag-aaralan ang kaso ng Meralco at sa sandaling mapatunayan anya ang sobrang singil ay ipag-uutos nila ang refund.

Kinumpirma rin ni Devanadera na umabot na sa 47,000 ang reklamong kanilang natanggap labansa Meralco na isinasama na nila sa kanilang pagsusuri at pag-aaral.

“There are now 47,000 complaints lodged at ERC….Meron po kaming complainant shock, hindi namin naanticipate at all,” saad ni Devanadera.

“Kung may sobra na kinolekta dapat marefund…i-require talaga namin na dapat may refund,” diin ng opisyal.

Samantala, iginiit din ni Energy Committee Chairman Win Gatchalian sa Meralco na ipatigil ang paniningil ng P47 convenience fee sa pagbabayad sa pamamagitan ng kanilang app, habang nasa ilalim pa ng General Community Quarantine ang Metro Manila.

“We urged Meralco to continue to waive the P47 convenience fee until GCQ period because we want our consumers to stay home,” saad ni Gatchalian.

Sa gitna nito, nangako ang Meralco na pag-aaralan nila ang hiling kasabay ng paninigurong hindi ipapasa sa consumer ang mawe-waive na convenience fee.

Leave a Reply

%d bloggers like this: