Mga pasahero ng MRT pinangangambahan na nahawa ng COVID

Mga pasahero ng MRT pinangangambahan na nahawa ng COVID

PINANGANGAMBAHAN ngyaon na maaaring nahawa ang ilang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) nang higit sa 100 tauhan nito kabilang ang apat na ticket seller ang nagpositibo sa COVID-19.

Kahit na aminong mahirap, pipilitin umano ng pamahalaan na magsagawa ng contact tracing sa mga pasahero na nagkaroon ng kontak sa mga tellers na dinapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria. Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matukoy ang mga pasahero na maaaring nahawa ng virus.

Pinayuhan rin ni Vergeire ang mga pasahero na sumasakay sa MRT at may kontak sa mga ticket sellers na pag-aralang mabuti ang estado ng kanilang kalusugan kung may nararamdamang sintomas tulad ng lagnat, sipon, pananakit ng likod at kasu-kasuan at hirap sa paghinga.

“Nag-aadvice na po tayo sa mga tao whoever ‘yung mga sumakay po na nakasalamuha itong MRT employees like ‘yung nagbigay ng ticket na kung saka-sakaling magkaroon ng sintomas, agad agad na magpa-check up o ‘di kaya mag-quarantine,” ani Vergeire.

Ito ay makaraan na nasa 172 tauhan ng MRT kabilang ang apat na ticket sellers ang nagpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang Linggo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: