Plasma Bank, pinatatayo ng senador

Plasma Bank, pinatatayo ng senador

ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos ang panukala para sa pagtatayo ng plasma banks sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital sa bansa habang naghihintay ng epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang Senate Bill 1648, o ang proposed Plasma Donation and Collection Act, iginiit ni Marcos na dapat magkaroon ng pasilidad para sa pagkuha ng plasma sa mga donor at pag-iimbakan nito sa mga ospital, sa loob ng isang taon.

Lumilitaw sa medical research na ang yellowish liquid na bahagi ng dugo ng tao na tinatawag na plasma, na nakukuha sa mga pasyenteng gumaling sa coronavirus pandemics tulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), ay nakatulong mapababa ang bilang ng mga namamatay mula sa mga bagong pasyenteng nasalinan nito.

Alinsunod sa panukala, mandato ng Department of Health ang pagbuo ng mga alituntunin kung sino ang maaaring maging donor at mga pamamaraan sa maayos na pagkuha ng plasma upang maiwasan ang mga naipapasang sakit.

Iginiit ni Marcos na maiiwasan na ang mga napaulat na pagbebenta at pagbili ng plasma sa Central Visayas sakaling magpatupad ng mas malawak na sistema sa pagkuha at pag-donate ng plasma at magkaroon ang gobyerno ng maayos na paglalagakan nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: