Tanggal Bulok, Tanggal Usok, umarangkada kasabay ng pagpasada ng mga jeep

Tanggal Bulok, Tanggal Usok, umarangkada kasabay ng pagpasada ng mga jeep

MULING umarangkada ang ‘Tanggal bulok, tanggal usok’ campaign ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) kasabay ng pagpasadang muli ng 6,000 na pampasaherong jeep, ngayong araw na ito.

Nais ding matiyak ng IACT na ang mga awtorisadong PUJ na may QR Codes ay pasado alinsunod sa standard ng road worthiness upang itaguyod ang pangkalahatang kaligtasan.

Batay sa inisyal na report, sa Malabong area, isang driver ang inisyuhan ng tiket dahil sa violation bunsod ng ‘Worn out tires’.

Ayon sa IACT, ang kanilang inisyatibo ay naglalayong ipatupad ang Clean Air Act ng DENR (RA 8749) at ang PUV Modernization Program (PUVMP) ng DOTr sa pamamagitan ng pag-alis sa kalsada sa mga karagkarag, depektibo, at mausok na mga tradisyunal jeepney, na karaniwang nailalarawan sa pamamagitan ng pagbubuga ng maitim na usok at depektibong mga parte ng behikulo partikular na ang gulong.

Samantala, nasampolan din ng I-ACT ang 71 riders sa kahabaan ng Samson Road sa Malabon City dahil naman sa hindi pagsusuot ng helmet.

Leave a Reply

%d bloggers like this: