Bawas tax para sa mga work from home employees, igigiit

Bawas tax para sa mga work from home employees, igigiit

ISUSULONG ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang panukala para sa pag-amyenda sa Internal Revenue Code upang pagkalooban ng dagdag na insentibo ang mga manggagawang ‘work from home’ para may pandagdag na pambayad sa kanilang bill sa kuryente.

Sinabi ni Tolentino na dahil sa work from home, nababawasan ang gastusin sa kuryente ng mga employer subalit nadaragdagan naman ang konsumo ng mga empleyado lalo na sa kuryente.

Dahil dito, iginiit ng senador na dapat amyendahan ang National Internal Revenue Code at ibawas sa dapat na babayarang buwis ng mga empleyado ang bahagi ng konsumo nila sa kuryente.

Maaari rin naman anyang ang employer na mismo ang magbigay sa mga ‘work from home’ employees ang allowance para sa kuryente at ide-deduct naman ito sa business tax ng mga kumpanya.

“Ang total effect, mababawasan ang bigatin ng pasanin ng mga work from home dahil hindi naman nila ginusto (ang ganitong senaryo),” saad ni Tolentino.

Tiniyak ni Tolentino na isusulong nito ang panukala para sa pag-amyenda sa National Internal Revenue Code kung saan magiging katuwang niya si Senador Win Gatchalian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: