Senior Citizens, bigyan ng libreng bakuna

Senior Citizens, bigyan ng libreng bakuna

INIHAIN ni Senador Leila de Lima ang isang panukala para sa pagkakaloob ng libreng bakuna sa mga senior citizens upang matiyak na napangangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

Sa kanyang Senate Bill (SB) No. 1641, iginiit ni de Lima na mandato ng pamahalaan na pangalagaan ang kalusugan ng mga senior citizens bilang special class individuals.

Sa 2019 report ng Philippine Statistics Authority, inaasahang magiging aging population na ang Pilipinas sa pagitan ng 2025 hanggang 2030.

Alinsunod sa panukala, titiyakin ang libreng bakuna sa mga senior citizen alban sa Influenza virus, Tetanus, Diphtheria, Pertussi at Pneumococcal disease, at iba pang kahalintulad na bakuna.

Sinabi ni de Lima na sa halip na ikulong lamang sa kanilang mga tahanan, dapat bigyan ng estado ng panlaban sa anumang sakit ang mga senior citizen.

Una na ring isinulong ni de Lima ang panukala na magbibigay proteksyon sa mga matatanda laban sa pag-abuso at pagpapataw ng parusa sa mga aabuso sa mga ito.

Isa rin si de Lima sa nagsulong ng panukala para sa pagbuo ng National Commission of Senior Citizens na nakapokus sa promosyon ng mga karapatan at kapakanan ng mga senior citizens.

Leave a Reply

%d bloggers like this: