Tulak na magpapadeliber ng shabu sa GRAB, tiklo

Tulak na magpapadeliber ng shabu sa GRAB, tiklo

HINDI nakalusot ang estilo ng isang tulak na magpadeliber ng shabu gamit ang GRAB delivery nang makahalata ang rider at ipaaresto siya nang matuklasan ang iligal na droga, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang nadakip na si Enrico Guadalupe, 51-anyos, binata at nakatira sa Unit 3577 ng SM Jazz Condominium sa Brgy. Bel-Air, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, sinabi ng saksi na si alyas “Rico”, Grab rider, na nag-book sa kaniya si Guadalupe para ipadeliber ang isang parcel ng damit sa Marikina City. Nagtungo si Rico sa condo unit ng suspek sa Makati para pick-apin ang item ngunit sa halip na damit ay isang maliit na brown paper bag nag naglalaman umano ng sabon ang iniabot sa kaniya ni Guadalupe.

Dito naghinala si Rico dahilan para inspeksyunin niya ang item at nadiskubre na sa halip na sabon ay naglalaman ang parcel ng tatlong plastic sachet ng puting pulbos. Agad na nagtungo ang rider sa Substation 6 ng Makati City Police at iniulat ang insidente kung saan natuklasan na shabu ang laman ng mga plastic sachet.

Dito na nagkasa ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Leave a Reply

%d bloggers like this: