Bato, bibigyan ng bagong US Visa

Bato, bibigyan ng bagong US Visa

KINUMPIRMA ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na tinawagan na siya ng US Embassy upang sabihin na inaayos na ang proseso upang maibalik ang kanyang kanseladong visa.

Sinabi ni dela Rosa na ang tawag mula sa US Embassy ay makaraang magkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.

“Pag after COVID daw, pag mag-report na ang kanilang mga staff, iniimbitahan ako papuntahin doon para asikasuhin ang aking visa,” saad ni dela Rosa.

“To be frank, my take from that is after sila nag-usap, yung dalawang Presidente—ng US at Pilipinas—nagkaintindihan sila. Maybe nagbigay ng instruction ‘yung President ng Amerika na ayusin niyo ang visa ni Bato kaya tumawag sa akin ang US embassy na ayusin daw nila,” kwento pa nito.

Samantala, kinumpirma rin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na inihayag sa kanila ni Pangulong Duterte na mismong si President Trump ay hindi pabor sa kanselasyon ng visa ni Bato.

Isinalaysay ni Sotto na sa kanilang pulong, naikwento sa kanila ni Pangulong Duterte ang pakikipag-usap nito sa telepono kay Pres. Trump.
about the visa cancellation.

“Magkausap sila ni President Trump. Mayroong ginamit na word si President Trump eh. Di ko na uulitin pero sinabi ni Presidente (Duterte) sa amin: ‘Those __ people from the State Department, sabi niya (Trump), they shouldn’t have done that in the first place,'” saad ni Sotto.

“Kaya ‘di ako nagtataka na sinabihan si Senator Dela Rosa na puwede ibalik o i-renew ‘yung visa niya because President Trump himself did not agree with what happened,” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: