Cobra sa palengke ng Maynila

Cobra sa palengke ng Maynila

IMAGININ mo na bibili ka ng manok pero cobra ang biglang sumulpot.

Posible ito makaraang makumpiska ng Manila City Markets Administration Office (MAO) ang limang buhay na cobra na nakalagay sa mga water bottle containers sa isang stall sa loob ng New Arranque Market nitong nakaraang Martes.

Photos c/o Manila PIO

Sinabi ni MAO Director Zenaida Mapoy na nadiskubre ang mga cobra habang nagsasagawa ng santiasyon at paglilinis ang pamunuan ng Arranque market.

“Habang nagsasagawa ng inspection at nagpapalinis ng bakanteng pwesto ang market master ng Arranque ay nadinig nila ang tunog ng ahas kaya hinanap nila san galing,” ayon kay Mapoy.

Photo c/o Manila PIO

Nang hanapin ang pinanggagalingan ng tunog, dito nila nakumpiska ang mga ahas na nasa loob ng mga water bottle.

Photo c/o Manila PIO

Sa kabila nito, wala namang nahuli ang pamunuan ng palengke ngunit hahanapin at hihingan ng pahayag ang may-ari ng stall kung saan nadiskubre ang mga ahas.

Sinabi ni Mapoy na malaking panganib sa publiko ang presensya ng ahas sa palengke. Nakatakda ang mga ito na ilipat sa Public Recreations Bureau para sa kaukulang pangangalaga.

Leave a Reply

%d bloggers like this: