LTFRB, kinalampag sa pagpapahirap sa mga jeepney driver

LTFRB, kinalampag sa pagpapahirap sa mga jeepney driver

HINIMOK nina Senador Nancy Binay at Senador Grace Poe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huwag nang pahirapan ang mga jeepney driver na nais nang bumalik sa pagpasada.

Tinukoy ng dalawang senador ang mga requirement na kailangang tugunan ng mga driver bago makabalik sa paghahanapbuhay.

Pinuna nina Binay at Poe ang sistema ng LTFRB sa pagkuha ng QR code ng mga driver sa pamamagitan ng website na nagcrash sa dami na rin ng backlog.

Binigyang-diin pa ni Binay na ilan sa mga driver ang nagsanla o nagbenta na ng mga cellphones kaya’t wala na rin silang paraan para magkaroon pa ng QR code.

“Ang nakakalungkot malaki ang problema natin, marami nawawalan ng trabaho, itong jeepney drivers natin kung sino pa ang kailangang kumita sila pa ang pinipigilan,” saad ni Binay.

“Panawagan na lang kasi kahit ako para akong sirang plaka na nananawagan sa DOTr at LTFRB na payagan na at ‘wag nating pahirapan ang mga jeepney drivers na makabalik. Pinababalik pero ang daming requirements at the end of the day di pa rin pala makakabalik, shift lang blame para di na masisi ang DOTr o LTFRB, parang kasalanan ng jeepney drivers kasi di sila kumuha ng qr code,” diin pa nito.

Nais namang malaman ni Poe ang mga hakbangin ng gobyerno kung paano pupunan ang kakulangan din ng kita ng mga papayagang bumiyahe dahil sa protocol na 50% lamang ang dapat na maging pasahero nito.

Ipinalala pa ni Poe na ang tulong sa mga driver sa ilalim ng Bayanihan 1 ay hindi pa lubos na naipamamahagi kaya’t dapat anya itong madaliin na ng gobyerno.

Leave a Reply

%d bloggers like this: