QC Mayor Belmonte, positibo sa COVID 19

QC Mayor Belmonte, positibo sa COVID 19

KINUMPIRMA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na positibo siya sa COVID 19.

“Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID 19 test,” saad ni Belmonte sa kanyang Facebook Page.

“Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan,” dagdag pa ng alkalde.

Nilinaw naman ng opisyal na wala siyang sintomas na nararamdaman at sumusunod siya sa quarantine protocols ng Department of Health.

“Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingay, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay at social distancing,” diin pa nito.

“Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID 19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan,” paalala pa ng Mayor.

Hindi na rin naman anya siya nagulat sa resulta ng test dahil sa kanyang mga pag-iikot sa mga health centers, ospital at iba pang lugar sa lungsod na isinailalim sa special concern lockdown.

Sinimulan naman na ng Epidemiology and Surveillance Unit ang contact tracing sa mga nakasalamuhan ng alkalde.

Leave a Reply

%d bloggers like this: