4 na Staff ng Senador, positibo sa COVID 19

4 na Staff ng Senador, positibo sa COVID 19

KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na apat pang staff ng mga Senador ang nagpositibo sa COVID 19.

Sinabi ni Zubiri na kasama sa positibo ang isa niyang staff at isang tauhan ni Senador Nancy Binay.

Kasabay nito, kinumpirma ni Senate Secretary, Atty. Myra Villarica na naka-quarantine na ang mga staff habang inilockdown ang mga tanggapan nina Binay at Zubiri batay sa rekomendasyon ng kanilang Medical and Dental Bureau.

Muli namang nagpaalala ang COVID 19 survivor na si Zubiri sa publiko na doblehin ang pag-iingat dahil sadyang traydor anya ang virus.

Kinontra naman ni Zubiri ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na bahala na ang publiko sa pakikipaglaban sa COVID 19.

Sinabi ni Zubiri na hindi tama ang naturang pahayag dahil dapat ang gobyerno ang maging in-charge sa pagtiyak sa maayos na kalusugan ng mamamayan.

Bagama’t may dapat din anyang gampanang tungkulin ang mamamayan, mas malaki anya ang tungkulin ng gobyerno sa krisis na ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: