9 na babaeng preso sa Pasay City Jail positibo sa COVID

9 na babaeng preso sa Pasay City Jail positibo sa COVID

SIYAM na babaeng inmates ng Pasay City Jail ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 matapos sumailalim sa swab testing ,

Sinabi ni Jail Superintendent Editha Balansay na ang 9 na babaeng PDLs ay pawang may mga kasong iligal na droga. Kabilang sila sa 129 inmates na sumalang sa swab test na isinagawa ng Pasay City Health Office noong Biyernes (Hulyo 3).

Ang siyam na nagkakaedad ng 23 hanggang 53 na pawang asymptomatic ay ipinalipat na sa COVID-19 Isolation Center (CIC) sa Payatas, Quezon City, para ihiwalay sa mga kasamang bilanggo.

Nakatakda ding isalang pa sa swab tests ang nasa 211 female inmates.

Ipinagbawal na rin sa Pasay City Jail ang pag-aabot ng kanilang mga kaanak ng pagkain matapos ang naunang pagbabawal sa pagtanggap ng dalaw.

Leave a Reply

%d bloggers like this: