DIY Barrier sa motorsiklo, magdudulot ng aksidente

DIY Barrier sa motorsiklo, magdudulot ng aksidente

NAGBABALA si Senador Bong Revilla na posibleng magdulot ng aksidente sa mga rider ang paglalagay ng barrier sa kanilang mga motorsiklo.

Kaugnay nito umapela si Revilla sa National Task Force on COVID 19 na pag-aralang mabuti ang nais ipatupad na polisiya bago payagan ang pag-aangkas.

Ipinaliwanag ni Revilla na delikado sa balanse ng isang rider ang tinawag nitong ‘do-it-yourself’ na makeshift barriers.

Bilang isang rider, ipinaliwanag ni Revilla na ang balanse ang pinakamahalaga at krusyal na bahagi ng disenyo, engineering at pagsakay sa motorsiklo.

Sa pagsakay anya sa motorsiklo, kailangang sasabay din sa kilos ng rider ang backrider dahil kung hindi ay mawawala ang balanse kaya’t ang divider sa pagitan ng dalawa ay magsisilbing pangontra sa balanse.

Nagbabala si Revilla na magreresulta ito sa aksidente at posibleng magtamo ng injury ang rider at backrider.

Inirekomenda na lamang ni Revilla sa NTF na obligahin na lamang ang rider at backrider na magsuot ng gloves, face masks, at full face helmets o face shields.

Ikinatuwa naman ni Senador Grace Poe ang go signal ng task force na payagan ang backriding kung saan namayani na anya ang compassion at rationality.

Nagpaalala si Poe sa riders na sumunod sa safety protocols partikular ang pagsusuot ng face masks at helmets, disinfection at pagsunod sa traffic rules.

Leave a Reply

%d bloggers like this: