Informal sector, dapat may database – Angara

Informal sector, dapat may database – Angara

NAIS ni Senador Sonny Angara na magkaroon ng national database para sa lahat ng miyembro ng informal economy upang mabigyan ng proteksyon ang informal workers at matiyak na matatanggap nila ang anumang ayuda mula sa gobyerno sa panahon ng emergencies.

Sa kanyang Senate Bill 1636 o ang proposed Informal Economy Registration and National Database Act, sinabi ni Angara na kapuna-puna na maraming informal workers ang hindi nabigyan ng financial assistance ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ay dahil nahirapan ang mga ahensya ng gobyerno gayundin nag local government units na matukoy ang mga informal workers dahil sa kawalan ng database.

Alinsunod sa panukala, saklaw ng informal economy ang lahat ng economic activity ng mga manggagawa na hindi sakop ng formal arrangements.

Binigyang-diin ni Angara na hindi lamang ito mga street vendors, bagkus ay kasama ang domestic workers, agricultural workers o fisherfolk at mga mayroong informal jobs sa formal enterprises na wala namang job security.

Batay sa 2008 informal sector survey ng Philippine Statistics Authority, nasa 10.5 milyon ang mga miyembro ng informal economy was estimated at 10.5 million.

Inaasahan ni Angara na dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa, tataas ang bilang ng informal workers ngayong taon.

Alinsunod sa panukala, mandato ng Local Development Councils ng lokal na pamahalaan na bumuo ngn sistema at magsagawa ng registration ng informal workers na pagkakalooban nila ng identification card.

Lahat ng registered workers ay isasama sa local database na pangangalagaan ng LGU at isasailalim sa balidasyon kada dalawang taon.

Mandato rin naman ng Department of Labor and Employment, katuwang ang National Economic and Development Authority, na bumuo ng national database ng workers, economic units at organizations o associations sa informal economy, gamit ang registration data ng LGU.

Leave a Reply

%d bloggers like this: