San Juan may pinakamataas na hawahan ng virus sa Metro Manila

San Juan may pinakamataas na hawahan ng virus sa Metro Manila

NANGUNGUNA ang lungsod ng San Juan sa may pinakamataas na porsyento ng hawahan ng coronavirus (COVID-19) nang makapagtala ng 180% growth rate ng virus.

Ito ang datos na inilabas ng Departmetn of Health (DOH) kaugnay ng muling paglobo ng bilang ng virus sa bansa.

Kasunod ng San Juan City ang Paranaque City na may 142% growth rate , Malabon na may 134%, Pateros na may 114%, Pasay na may 99% at Taguig na may 93%.

Nangunguna naman ang Marikina City sa may pinakamabagal na porsyento ng hawahan nang makapagtala ng -68% growth rate.

Kasunod nito ang Manila City na may -17% growth rate, Muntilupa na may -10% growth rate, ang Las Pinas na may -7%, Navotas na may -5% at Makati na may -4%.

May 34% growth rate naman ang Quezon City, 25% ang Caloocan City at Pasig City.

Leave a Reply

%d bloggers like this: