42 bagong nasawi sa COVID

42 bagong nasawi sa COVID

HINDI nakapagbigay ng update ang Department of Health (DOH) sa bilang ng mga nasawi sa COVID nitong nakaraang Huwebes. Nitong Biyernes, naipon ang datos at nakapagtala ang ahensya ng 42 bagong nasawi na mga pasyente sanhi para umakyat ang death toll ng bansa sa 1,360.

Sa Case Bulletin No. 118, umakyat sa 52,914 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan ng panibagong 1,233 kaso. Nasa 38,324 naman ang nananatiling aktibong mga kaso.

Sa bagong nadagdag, 848 dito ay mga fresh cases at 385 ang late cases.

May 286 naman na pasyente ang gumaling sa sakit para umakyat sa 13,230 ang kabuuang bilang ng recoveries.

Samantala, unang inamin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may 12,000 samples pa para sa COVID testing na ikinukunsidera na mga backlogs ng mga laboratoryo.

Ikinatwiran ng opisyal na ang backlogs na ito ay dahil sa dami ngayon ng mga samples na prinoproseso dulot sa pagtaas ng mga dumarating na specimen sa mga pasyente na hinihinalang nagtataglay ng virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: