Mga negosyo at empleyado, pauutangin ni Mayor Vico

Mga negosyo at empleyado, pauutangin ni Mayor Vico

NAGLAAN ng P200 milyon ang Pasig City government para sa pagpapautang sa mga negosyo at mga empleyado sa lungsod na naapektuhan ng krisis dulot ng COVID 19 pandemic.

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ang “TAPAT: Tulong at Pampuhunang Ayuda sa mga Taga-Pasig” bilang loan program sa mga negosyo at mga empleyado na nais magsimula muli sa gitna ng pandemya.

Sa ilalim ng programa, maaaring mag-apply ng loans na aabot sa P10,000 ang mga negosyo at mga empleyado na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pandemya.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, layun ng programang payabungin muli ang ekonomiya ng siyudad.

Inaasahang nasa 20,000 hanggang 40,000 katao ang magiging benepisyaryo ng programa.

“With a 200M budget, we can help from 20,000 to 40,000 beneficiaries while stimulating our struggling local economy,” saad ni Sotto.

Kasama sa programa ang “Balik-negosyo” loan para sa mga negosyong kailangang pondohan ang mga kagamitan para sa “new normal” gaya ng plastic dividers – na aabot ng P10,000; “Bagong Negosyo” para sa mga walang trabaho pero gustong magsimula ng maliit na negosyo at Balik Trabaho na P5,000 loan para naman sa mga nawalan at naghahanap ng bagong trabaho.

Leave a Reply

%d bloggers like this: