Pag-uusap, bawal sa mga tren ng LRT Line 1

Pag-uusap, bawal sa mga tren ng LRT Line 1

IPINAGBABAWAL ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) ang pag-uusap sa loob ng mga tren upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.

Ayon kay LRMC Corporate Communications head Jacqueline Gorospe, napansin nila na ilang pasahero ng LRT1 ang nagtatanggal ng face mask habang nasa loob ng mga bagon lalo na kung may kausap sa cellphones.

“Knowing ‘yung COVID-19, nata-transmit siya through droplets, another layer of protection is if walang nagsasalita, walang lalabas na droplets,” saad ni Gorospe.

“We remind our passengers na kailangan po i-postpone muna ‘yung call. Or if they need to talk, kailangan nakasuot ang mask,” dagdag nito.

Kinumpirma rin ni Gorospe na nasa walong tauhan nila ang nagpositibo sa COVID 19 na sumailalim na sa quarantine.

Leave a Reply

%d bloggers like this: