UP Covid test kits, aprubado na

UP Covid test kits, aprubado na

MAKARAANG mabinbin ng ilang buwan, ipagagamit na rin ng Department of Health (DOH) ang mga testing kits na dinibelop ng University of the Philippines makaraang maresolba na ang mga isyu na nakita dito ng Food and Drugs Authority (FDA).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakakuha na ng special certification ang UP testing kits mula sa FDA.

Una na sanang magagamit ang mas murang testing kits ng UP nitong Abril ngunit nagpalabas ng re-call ang FDA nang may makitang isyu dito ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) makaraan ang isinagawang balidasyon.

Tutulungan umano ng DOH ang mga laboratoryo na magamit ang mga testing kits dahil sa kailangan na may ‘proficiency’ muna bago ito magamit.

Nabatid na nagkakahalaga lamang ang UP test kits ng P1,320 kumpara sa mga imported na kits na nagkakahalaga ngayon ng P4,000 at umabot ng P8,000 noong Marso.

Leave a Reply

%d bloggers like this: