400-taong imahe ng Sto. Nino, naabo

400-taong imahe ng Sto. Nino, naabo

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng Manila Archdiocese na naabo na ang imahe ng Sto. Nino na tinatayang may edad nang 400 taon sa naganap na sunog sa Sto. Nino Parish sa Pandacan, Maynila nitong nakaraang Biyernes.

Ayon sa Archdiocese of Manila, ang imahe ay inukit sa itim na kahoy katulad ng materyales na ginamit sa imahe ng Itim na Nazareno ng Quiapo at ng Black Madonna ng Antipolo.

Nabatid na dinala sa Pilipinas ang imahe ng mga Kastila sa pamamagitan ng mga galleon mula sa Acapulco, Mexico. Ito ngayon ang nagsisilbing sagisag ng debosyon ng mga Katoliko sa distrito ng Pandacan.

Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na prayoridad nila ngayon ang matukoy ang kinaroroonan ng imahe.

Nanawagan naman si Bishop Broderick Pabillo, Manila Archdiocese administrator, sa mga Katoliko na magtulung-tulong para maitayo muli ang natupok na simbahan.

Sinabi naman ni Senior Supt. Gerrandie Agonos, Manila fire marshal, na patuloy pa rin nilang inaalam ang pinagmulan ng apoy ngunit malaki ang hinala nila na sanhi ito ng “electrical fire due to short circuit”.

Leave a Reply

%d bloggers like this: