Lockdown sa DILG-Napolcom, pinalawig pa

Lockdown sa DILG-Napolcom, pinalawig pa

PINALAWIG pa ng Department of the Interior and Local Government-National Police Commission (DILG-NAPOLCOM) ang lockdown sa kanilang tanggapan
sa Quezon City hanggang sa July 17.

Ito ay makaraang isa pa nilang empleyado ang nagpositibo sa COVID 19.

Layun ng pagpapalawig ng lockdown na mabawasan ang physical interaction at makapagsagawa ng contact-tracing activity.

Una nang inilagay sa lockdown ang tanggapan mula July 6 hanggang July 12 matapos magpositibo sa virus si DILG Undersecretary Epimaco Densing III.

Upang magpatuloy naman ang transaksyon sa mga ihahaing dokumento, isang Administrative Service employee ang itatalaga sa 7th Floor ng gusali.

“No other transactions shall be entertained from July 13 – 17, 2020,” saad ng NAPOLCOM.

Leave a Reply

%d bloggers like this: