MRT-3, balik operasyon na

MRT-3, balik operasyon na

AARANGKADA nang muli ang biyahe ng MRT-3 ngayong Lunes, July 13 makaraang makakuha ng sapat na bilang ng mga empleyado na negatibo sa COVID-19.

Una nang nagdesisyon ang MRT 3 management na pansamantalang itigil ang kanilang operasyon noong Martes, July 7 dahil sa pagtaas ng bilang ng mga empleyado tinamaan ng virus.

Sa pinakahuling tala, nasa 281 na empleyado ng MRT ang nagpositibos a virus na kasalukuyang naka-quarantine sa World Trade Center, Philippine Arena, at PhilSports Arena.

Umabot naman sa 1,093 MRT depot personnel at 1,010 station personnel ang nag-negatibo sa swab test.

Gayunman, 12 train set lang ang makabibiyahe simula alas-5:30 ng madaling araw sa Lunes.

Naglatag din ng health protocols ang pamunuan ng MRT para sa mga pasahero.

Kailangan munang mag-fill up ng health declaration form ang pasahero bago makasakay ng tren.

Sasailalim din sa 5-minute disinfection ng bawat tren pagdating sa North Avenue Station at Taft Avenue Station.

Leave a Reply

%d bloggers like this: