P10-Bilyon para sa bahay ng mahihirap sa Maynila

P10-Bilyon para sa bahay ng mahihirap sa Maynila

TULUY-tuloy ang pagtatayo ng mga pabahay sa Maynila makaraang aabot sa P10-bilyong pondo ang inilaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” para sa pagtatayo ng mga ‘housing projects’ para sa mahihirap sa lungsod at pagbili ng mga dagdag na kagamitan sa Ospotal ng Maynila.

“Iyong mga squatter, mga walang bahay, and yung informal settlers, in line with our continuous effort, this city government will literally confront land ownership and property ownership,” ayon kay Domagoso makaraan ang pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng Land Bank of the Philippines.

Sampung sites na ang natukoy para pagtayuan ng mga ‘in-city vertical housing projects’ para sa mga informal settlers sa lungsod at para din sa mga empleyado ng Manila City Hall sa ilalim ng programang “Land for the Landless”.

Nagpahayag naman ng buong suporta si Land Bank Vice President for Public Sector Esperanza Martinez sa proyekto ng Pamahalaang Lungsod.

“Very very supportive ang Land Bank, and continuous ang aming support to the city especially under the leadership of Mayor Isko Moreno,” ani Martinez.

Leave a Reply

%d bloggers like this: