Parusa sa health protocol violators, pabibigatin

Parusa sa health protocol violators, pabibigatin

NAGKASUNDO ang mga alkalde sa National Capital Region patawan ng mas mabigat na parusa ang mga lalabag sa COVID-19 health protocols.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority general manager Undersecretary Jojo Garcia, nakipagpulong na sila sa Metro Manila mayors o Metro Manila Council (MMC) para sa mga kaukulang hakbangin sa pagpapatupad ng protocols.

“Nagkaroon po kami ng mga pagpupulong ng ating mga mayors na lalakasan pa ‘yung ordinansa sa mga hindi sumusunod sa mga health protocol like wearing of face masks, yung physical distancing,” saad ni Garcia.

“Medyo paiigtingin natin ‘yan. Patataasin po ‘yung penalties,” dagdag ng opisyal.

Una nang inamin ng Department of Health (DOH) na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID 19 ay dahil na rin sa mas maraming interaction dahil sa pinaluwagan na quarantine protocols.

Leave a Reply

%d bloggers like this: