Buong lungsod ng Navotas, ila-lockdown

Buong lungsod ng Navotas, ila-lockdown

INAMIN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na nakatakdang isailalim sa lockdown ang buong lungsod para maawat ang lalo pang pagkalat ng coronavirus (COVID-19).

Ito ay makaraan na may kumalat sa social media ng draft ng resolusyon na hindi naman itinanggi ni Tiangco. Sinabi ng alkalde na bagama’t draft pa lang ay talagang ipatutupad ang lockdown sa buong lungsod.

“Yung kumakalat sa social media, hindi naman totally fake ‘yan [but] hindi siya valid in the sense na hindi ko pa napipirmahan. Pero talagang magla-lockdown po kami for 14 days,” ani Tiangco.

Sa kabila nito, tiniyak ni Tiangco na hindi naman maaapektuhan ang mga negosyo at mga residente na kailangang pumasok sa kanilang mga trabaho.

Tanging ang walang dahilan ng paglabas ng bahay at mga leisure activities umano ang kanilang hihigpitan lalo na ang pagtitipon-tipon ng mga tao.

Kasalukuyang may 931 positibong kaso ng COVID sa Navotas nitong Linggo, 325 ang nakarekober at 59 na ang nasawi.

Leave a Reply

%d bloggers like this: